Kanina, habang nasa canteen kami napagusapan lang namin ung PAJOKE ko lng namang sinabi na kung dumaan sana kami ng 2nd floor baka makita ko si crush.
Tapos sabi nila, para na daw DESPERATE MASYADO.
On some part masasabi ko namang tama sila, siguro nga masyado nang desperado na makita ko araw-araw si kuya BSA 4, sigruo nga masyado na kong desperate na gusto kong lagi siyang kasama sa jokes ko, PERO anu naman po kayang magagawa ko, KAYO ba nasa sitwasyon ko? Hindi naman po eh!
Parang kasi di magandang term ung DESPERATE daw, masyado siyang nakakaBADVIBES pakinggan, kasi ang definition ko ng desperate un ung taong GAGAWIN ANG LAHAT MAKUHA LANG LAHAT NG GUSTO NIYA, sana kung desperate move na ung ginagawa kong paghanap sa kanya or pajoke na pagbanggit sa kanya EDI SANA PO NGAYON KAMI NA! EDI SANA NGAYON hindi ako nageentry ng ganto, PERO HINDI NAMAN EH!
Nakakasakit lang kasi di ka nila maintindihan, di nila alam ung mga nararamdaman mo, pangit din kasi na magopen up ka, sometimes they'll find your weaknesses in there.
Nakakainis oo, hindi ka nila maiintindihan pag hindi sila yung napunta sa posisyon mo eh, sabagay ako kasi ANG CRUSH PARA SA AKIN , inspirasyon, kaya nga ung mga crush ko mga taong mas superior sa akin, un ung isang bagay na di nila alam, naging crush ko si KUYA BSA 4 di lang dahil sa looks, pero kasi nakita ko na nakakainspire sya despite sa kagwapuhan niya, BSA student siya, tapos nalaman ko pang regular parang ang major turn on nun sa part ko, hindi ko lang kasi viniew na CRUSH KO lang si kuya, Viniew ko siya as someone na gusto kong maging, as an inspiration kumbaga.
Kumbaga ba, nahanap ko sa kanya ung mga gusto kong makita na sad to say di nila alam yang mga reasons na yan.
Di po kasi ako ganun kadaling magkacrush, sabihin na nating AKALA niyo lang crush ko agad ung isang tao, no not that, ang standards ko sa mga crush ko mataas, kinikilala ko muna sila bago ko tinitignan sa panlabas, IBA KASI ako pag ako nagkainterest sa tao, KUNG GWAPO yan, sige iharap niyo sa akin , siguro IAADMIRE ko muna sya sa una but after that I NEED TO BACKGROUND CHECK :D.
May mga bagay kasi na di niyo alam.
No comments:
Post a Comment